UMIBIG NANG BUO
(Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon)-B
Naniniwala ako halos lahat ng relihiyon ay
naniniwala sa pag-ibig at itinuturing itong sentro o pinakapuso ng kanilang
aral, at naniniwala din ako na lahat ng sumasamba sa Diyos ay naniniwala sa
pag-lbig, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Ang salitang pag-ibig ang isa sa mga
salitang madalas maling ang paggamit (misused), sobrang nagagamit (overused),
naaabuso ang paggamit (abused), dahil hindi tama ang natutunang konsepto ng
pag-ibig. Kung tuna yang pag-ibig hindi sosobra. Ang totoong pag-ibig ay sapat,
maging ang Diyos ay iniibig tayo ayon sa kailangan natin. Ang totoong pag-ibig
ay hindi nagkakamali, sapagkat totoong pag-ibig nakaugat sa katotohanan.
Si Kristo lang talaga ang may karapatang
magturo at magsabi kung ano ang tunay na pag-ibig dahil Siya mismo ang
nakaranas nito mula sa kanyang Ama. Kayang-kaya niyang sabihin na dapat nating
ibigin nang buong puso, buong pag-iisip, buong lakas at buong kaluluwa at
ibigin natin ang ating kapwa gaya ng ating sarili.
Paano ang umiibig sa Diyos
nang buo? Maraming tao ngayong nagmamahal sa Diyos hindi wholeheartedly
kundi half hazardly. Ang Diyos ay nasa sideline lamang. Sasabihin
Katoliko sila pero hindi naman sumusunod s autos ng Diyos at katuruan ng
Simbahan. Magsisimba kung Linggo dahil ang tingin sa Linggo ay isa lang
obligasyon na kapag hindi tinupad ay baka parusahan ng Diyos. Mahal daw nila
ang Diyos pero hanggang sa loob lang ng Simbahan. Paglabas ng Simbahan parang
hindi na Katoliko. Ang mahalin nang buong ang Diyos ay ituring siyang sentro n
gating buhay. Lahat nag ginagawa natin, mga pangarap natin, mga
pinagkakaabalahan natin, pati mga hirap at pagsubok natin at patungo lahat sa
Diyos. Iniibig nga ba talaga natin nang buong ang Diyos?
Paano ang umibig sa kapwa
gaya ng sarili? Mas challenging ito siguro kaysa sa unang utos, pero katambal
ita ng unang utos at ito ang patunay kung totoo nating iniibig ang Diyos. Ang
umibig sa kapwa gaya ng ating sarili ay makita natin an gating sarili sa iba.
Dahil ita igagalang natin sila sa kanilang nararadaman, at nararamdaman natin
ang kanilang pangangailangan at mga nararamdaman. Para kadaling nating humusga sa tao, pero hindi naman natin alam ang
kanilang pinagdaraanan. Iniibig natin ang ating kapwa gaya ng atiing sarili
kung nakikita natin si Kristo sa kanila at hindi ang kaaway. Madaling sabihin
pero mahirap gawin, subalit ita ang katotohanan na dapat nating sundin. Iniibig
natin an gating kapwa gaya n gating sariling kung kaya na nating magparaya at
hindi tayo takot na mawalan.
Totoo ang pag-ibig natin sa Diyos at sa kapwa
ay hindi magigmg perpekto, pero hindi ibig sabihin nito na hindi na natin
susubukan. Maaaring magkulang nga ang pag-ibig natin sa Diyos at sa kapwa.
Nauunawaan ita ng Diyos at pupunnuan ita ng Diyos hanggang maging buo.