Saturday, November 10, 2012

MAGBIGAY NANG TUNAY


Magbigay Nang Tunay
(Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon)

Lutang na lutang ang mga karakter ng mga babaeng balo sa mga Pagbasa natin ngayong Linggo. Sa Unang Pagbasa ay natunghayan natin ang babaeng balo na sa kabila ng kanyang kawalan ay hindi nag-atubili na pakainin si Elias kahit na ang natitira nilang pagkain sapat lamang para sa kanya at sa kanyang anak.  Ang babaeng balo naman sa Ebanghelyo ay hindi rin nagdalawang isip na ialay ang kanyang dalawang kusing na katumbas ng isang pera, kumakatawan ito sa lahat-lahat ng mayroon sa kanya. Ang mga karakter na ito ang nagsisilbing huwaran natin sa totoong diwa ng pagbibigay.
Lahat tayo ay nakaranas nang magbigay sa iba’t ibang pamamaraan. Pero nakapagbigay na ba talaga tayo nang ganap? Lubos kaya ang pagbibigay natin? Ano ba ang tunay na pagbibigay o lubos na pagbibigay?
Una, ang lubos na pagbibigay ay pagbibigay ng walang hinihintay na anumang katumbas na kapalit. Nagbibigay tayo hindi dahil sa naghihintay tayo ng anumang balik sa atin katulad ng papuri, pasasalamat o pagkilala. Hindi pa tayo lubos ng nagbibigay kapag ang motibasyon natin sa pagbibigay ay para makilala o mapasalamatan. Sa panahon ng halalan maraming magbibigay ng kung anu-ano sa mga tao. Ano kaya ang pangunahing dahilan? Baka para makilala, sumikat at matandaan ang pangalan! Hindi ganoon ang tunay na pagbibigay. Minsan ay may isang taxi driver na nakakita ng diamond ring sa kanyang taxi.. Bumalik siya sa lugar na huling hinintuan niya para matunton ang babaeng sakay niya. Makalipas ang dalawang oras natagpuan niya ang babaeng may-ari ng singsing. Kinuha ng babae ang singsing nang hindi man lang nagpasalamat. Tinanong ang taxi driver sa kanyang reaksiyon at sabi niya, “Okay lang sa akin. Hinanap ko ang babae at isinauli ang singsing hindi para sa anumang pabuya o kaya’y pasasalamat. Ginawa ko iyon dahil alam kong iyon ang tamang gawin.” Sana magbigay tayo o gumawa ng mabuti dahil alam nating iyon ang tamang gawin at hindi para sa pabuya at pasasalamat. Ganito ang magbigay nang lubos.
Ikalawa, ang magbigay nang lubos ay magbigay ng mahalaga sa atin, hindi ang sobra o hindi na natin kailangan. Karaniwan nagpapamigay tayo ng mga bagay na hindi na natin kailangan at ingat na ingat tayo sa mga bagay na gustong-gusto natin o mahalaga sa atin. Hirap tayong pakawalan ang mga ito, hindi ba? Ni ayaw nga ating masira o kaya gamitin ng iba ang mga ito. May mga nagpapamigay naman ng mga bagay na hindi na nila mapapakinabangan, sira na, o kaya naman kapag damit ay wala na sa uso; kung pagkain naman ay baka yung malapit nang masira. Hindi ganito ang tunay na pagbibigay. Hindi ganito ang pagbibigay nang lubos. Ang tawag doon ay karamutan o kaya ay paglillinis ng aparador o refrigerator! Maaatim ba nating ibigay sa kapwa ang pagkaing hindi na makakain o mga damit na hindi naman na puwedeng isuot? Ang pagbibigay nang lubos ay pagbabahagi sa kapwa hindi ng mga sobra natin o ayaw na natin, kundi pagbibigay o pagbabahagi ng mahalaga para sa atin. Maraming gustong maglingkod pero kung may extra oras lamang. May mga nagbibigay pero mga kulimagmag o dunggot lamang ng kanilang yaman. Ang tunay na pagbibigay ay pagbibigay hanggang tayo’y nasasaktan o nahihirapan.
Si Hesus ang halimbawa natin sa pagbibigay nang lubos. Buong buhay niya ang inialay niya para sa atin. May hihigit pa kaya sa pagbibigay ng ginawa ni Hesus? Nagbigay siya hindi para sa anumang pabuya o kabayaran. Noong nagbigay siya, siya pa nga ang nagbayad para sa atin. Buhay niya ang kanyang ibinayad sapagkat kailanman hindi tayo makakabayad sa laki ng utang natin sa Diyos. Nang magbigay si Hesus hindi Niya inisip ang kanyang kapakanan. Napahamak nga siya noong mag-alay para sa atin. Hindi rin siya nagbigay ng hindi na niya kailangan o sobrang lang sa kanya. Lahat-lahat ibinigay niya. Hindi na siya nagtira para sa sarili para tayong mga salat ay magkaroon. Ito ang tunay na pagbibigay. Ito ang pagbibigay nang lubos.
Ang Eukaristiya ang patunay ng lubos na pagbibigay ni Hesus. Muli’t muli sa Eukaristiya ay nagbibigay si Hesus nang lubos. Maturuan nawa tayo ng ating tinatanggap ng tunay na pagbibigay. Alisin nawa nito sa ating mga puso ang anumang pag-iimbot at pagka-makasarili.        

UMIBIG NANG BUO


UMIBIG NANG BUO
(Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon)-B

Naniniwala ako halos lahat ng relihiyon ay naniniwala sa pag-ibig at itinuturing itong sentro o pinakapuso ng kanilang aral, at naniniwala din ako na lahat ng sumasamba sa Diyos ay naniniwala sa pag-lbig, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Ang salitang pag-ibig ang isa sa mga salitang madalas maling ang paggamit (misused), sobrang nagagamit (overused), naaabuso ang paggamit (abused), dahil hindi tama ang natutunang konsepto ng pag-ibig. Kung tuna yang pag-ibig hindi sosobra. Ang totoong pag-ibig ay sapat, maging ang Diyos ay iniibig tayo ayon sa kailangan natin. Ang totoong pag-ibig ay hindi nagkakamali, sapagkat totoong pag-ibig nakaugat sa katotohanan.
Si Kristo lang talaga ang may karapatang magturo at magsabi kung ano ang tunay na pag-ibig dahil Siya mismo ang nakaranas nito mula sa kanyang Ama. Kayang-kaya niyang sabihin na dapat nating ibigin nang buong puso, buong pag-iisip, buong lakas at buong kaluluwa at ibigin natin ang ating kapwa gaya ng ating sarili.
Paano ang umiibig sa Diyos nang buo? Maraming tao ngayong nagmamahal sa Diyos hindi wholeheartedly kundi half hazardly. Ang Diyos ay nasa sideline lamang. Sasabihin Katoliko sila pero hindi naman sumusunod s autos ng Diyos at katuruan ng Simbahan. Magsisimba kung Linggo dahil ang tingin sa Linggo ay isa lang obligasyon na kapag hindi tinupad ay baka parusahan ng Diyos. Mahal daw nila ang Diyos pero hanggang sa loob lang ng Simbahan. Paglabas ng Simbahan parang hindi na Katoliko. Ang mahalin nang buong ang Diyos ay ituring siyang sentro n gating buhay. Lahat nag ginagawa natin, mga pangarap natin, mga pinagkakaabalahan natin, pati mga hirap at pagsubok natin at patungo lahat sa Diyos. Iniibig nga ba talaga natin nang buong ang Diyos?
Paano ang umibig sa kapwa gaya ng sarili? Mas challenging ito siguro kaysa sa unang utos, pero katambal ita ng unang utos at ito ang patunay kung totoo nating iniibig ang Diyos. Ang umibig sa kapwa gaya ng ating sarili ay makita natin an gating sarili sa iba. Dahil ita igagalang natin sila sa kanilang nararadaman, at nararamdaman natin ang kanilang pangangailangan at mga nararamdaman. Para kadaling nating humusga sa tao, pero hindi naman natin alam ang kanilang pinagdaraanan. Iniibig natin ang ating kapwa gaya ng atiing sarili kung nakikita natin si Kristo sa kanila at hindi ang kaaway. Madaling sabihin pero mahirap gawin, subalit ita ang katotohanan na dapat nating sundin. Iniibig natin an gating kapwa gaya n gating sariling kung kaya na nating magparaya at hindi tayo takot na mawalan.
Totoo ang pag-ibig natin sa Diyos at sa kapwa ay hindi magigmg perpekto, pero hindi ibig sabihin nito na hindi na natin susubukan. Maaaring magkulang nga ang pag-ibig natin sa Diyos at sa kapwa. Nauunawaan ita ng Diyos at pupunnuan ita ng Diyos hanggang maging buo.